Search
Close this search box.

Paano Ba Dapat Suportahan Ang Taong May Depression?

Overview

Ang depression ay isang totoong sakit. Hindi ito pag-iinarte, panghihina ng loob, o kulang sa dasal. Let us stop the stigma!

Marami sa ating mga pinoy ay wina-walang-bahala ang mga signs of depression, lalo na kapag hindi naman sila mismo ang nakakaranas nito. Madalas, ang depression ay associated as a weakness—mahina daw ang loob, nagmumukmok, iyakin, sensitive, nag-iinarte, kulang sa dasal. Ang dali lang sabihin kapag hindi naman sila ang nakakaramdam!

Ang lahat ng ito ay hindi nakakatulong sa taong nakakaranas ng depression. Lalo na, hindi rin ito, in one way or another, a show of support or concern. Ito ay ilan lamang sa mga stigma o ibig sabihin, maling paniniwala at nakaugalian na ng mga tao tungkol sa depression.

Dapat natin itong baguhin para malaman kung paano ba dapat suportahan ng tama ang isang taong nakakaranas nito.

Pero, para maintindihan natin, ano ba kasi talaga ang depression?

Ano ba ang depression?

Ang depression ay isang psychiatric disorder kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng prolonged sadness at negative outlook towards sa sarili, sa estado ng realidad, at ng future. Ito ay tinatawag din na Depressive Disorder o Clinical depression.

Causes

Maraming factors ang maaaring magdulot ng depression katulad ng: 

  • Biological  – Ito ay chemical imbalance ng mga hormones na serotonin, norepinephrine, dopamine, at oxytocin—mga hormones na nagre-regulate ng ating mood. Kapag ang ating katawan ay may pinagdadaanan na pagbabago katulad ng pagbubuntis, menopause, thyroid problems, at iba pang conditions, ito ay nakakaapekto sa ating hormones na maaaring magdulot ng depression. 
  • Genetic – Ang depression ay maaaring namana sa lahi ng pamilyang may history nito. Pero hindi ibig sabihin ay namamana agad ang depression kapag may history ang iyong pamilya. Lahat tayo ay nagkakaroon ng unique combination of genes mula sa ating nanay at tatay at may possibility lang na ito ay namana mo rin. 
  • Environmental – Ito ay mga factors sa iyong paligid o sa iyong pag-palaki. Kagaya nito ay ang mga nakakaranas ng long-term stress, childhood trauma, loss of a loved one, toxic relationship, at mga nakaranas ng physical, emotional, verbal, or sexual abuse. 
  • Psychosocial – Kapag ikaw ay nakaranas ng hindi magandang pangyayari katulad ng breakup o nawalan ng trabaho, napaka-importanteng factor ang magkaroon ng support system katulad ng iyong pamilya o mga kaibigan kung saan ay maaari kang makapag-labas ng sama ng loob o emosyon. Lack of social support ay maaaring maging sanhi ng depression. 

Symptoms 

Iba-iba ang mga sintomas ng depression sa tao. Kasama dito ang:

  • Depressed mood – kapag ikaw ay nakakaramdam ng kalungkutan for a long time. 
  • Loss of interest or pleasure – kapag ay nawalan ng gana sa mga bagay na kinahihiligan mong gawin noon. 
  • Changes in weight or appetite – maaaring weight gain or weight loss at maaari ring increase or loss of appetite. 
  • Insomnia, ibig sabihin ay hindi makatulog o Hypersomnia, o sumusobra naman sa tulog lalo na sa umaga.
  • Loss of energy or fatigue – kapag ikaw ay madali o laging napapagod.
  • Psychomotor retardation or agitation – ibig sabihin nito ay bumabagal ang iyong galaw o pag-iisip (Psychomotor retardation) habang ang agitation naman ay ang kabaligtaran. Ito ay repetitive or unintentional movements ng katawan. 
  • Feeling of worthlessness or guilt – ito ay kapag mababa ang iyong tingin sa sarili, hopeless sa future, at sa estado sa buhay. 
  • Impaired concentration or indecisiveness – ito ay ang mga hirap sa pag-focus o hindi makapag-desisyon ng maayos. 
  • Thoughts of death or suicidal ideation or suicide attempt o pagtatangka sa buhay. 

Always keep in mind na hindi ibig sabihin na kung may sintomas ka nito ay may depression ka na. Ito ay guide lamang at hindi pwedeng gamitin for self-diagnosis. Kinakailangan pa rin ang payo ng doctor upang masuri, madiagnose, at matulungan sa tamang pamamaraan. 

Help is available

Kapag ikaw, o ang iyong kakilala ay nakakaranas ng kahit alin sa mga sintomas na ito, lalo na kapag naaapektuhan na ang araw-araw na pamumuhay, o relationships sa ibang tao, kailangan nang magpacheck-up sa doctor. 

Tapusin na natin ang mga nakaugaliang stigma at magbigay tayo ng suporta, pagmamahal, at tulong na nararapat. 

Click here para makita ang listahan ng mga hotline na puwede niyong tawagan para matulungan kayo.

References:

How Environmental Factors Impact Mental Health. (2018, June 19). How Environmental Factors Impact Mental Health; www.alliant.edu. https://www.alliant.edu/blog/how-environmental-factors-impact-mental-health 

Levinson, D. F., & Nichols, W. E. (n.d.). Major Depression and Genetics | Genetics of Brain Function | Stanford Medicine. Genetics of Brain Function; med.stanford.edu. Retrieved August 22, 2022, from https://med.stanford.edu/depressiongenetics/mddandgenes.html 

Shadrina, M., Bondarenko, E. A., & Slominsky, P. A. (2018, July 23). Genetics Factors in Major Depression Disease – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6065213/ 

Similar articles on