Search
Close this search box.

Inaatake Ka Ba Ng Anxiety?

Overview

Normal sa atin ang magka-anxiety. Pero kapag ito ay sumasagabal na sa buhay mo o sa relationships, baka may anxiety disorder ka na.

Ikaw ba ay nakakaranas ng anxiety? Paano malalaman? 

Kapag ikaw ay… 

  1. Bumibilis ang tibok ng puso
  2. Tumataas ang blood pressure 
  3. Bumibilis ang paghinga
  4. Pinagpapawisan

Parang sintomas lang kapag nandyan na si crush. Char!

Pero, oo, isa yan sa mga instances ng anxiety. Anxiety is a normal reaction to stress. Ito ay tumutulong para tayo ay makapag-isip, umaksyon, gawin ang mga importanteng bagay, o umiwas sa panganib. Tayo ay nagiging anxious sa iba’t-ibang sitwasyon kagaya nga, pag nakita mong paparating na si crush, kapag nagka-cram ka for an exam, or naka-encounter ka ng problema.

Ang anxiety ay hindi normal kapag ito ay nakakaapekto na sa iyong daily tasks and relationships. Ito ay tinatawag na anxiety disorder. 

Types of Anxiety Disorder

Iba-ibang anxiety disorder and maaaring ma-experience ng isang tao. Marami ding klase nito: 

  • Generalized anxiety disorder

Ito ay kapag nakakaramdam ka ng sobra at unrealistic na pag-aalala na may kasamang tensyon para sa mga maliliit lang na bagay o kahit for no reason at all. 

  • Panic disorder

Kapag ikaw ay biglang natakot ng sobra to the point na ikaw ay pinagpapawisan, nanakit ang dibdib, nagpapalpitate, paminsan ay nakakaramdam ng pagkakasakal o feeling of a heart attack. Ito ay tinatawag na panic disorder. 

  • Social anxiety disorder 

Ikaw ay may social anxiety disorder kapag hindi ka komportable, nao-overwhelm, and sobrang self-conscious makipag-usap sa ibang tao or maki-socialize. Masyado mong wino-worry na baka ikaw ay majudge, mapahiya, ma-reject o pagtawanan. Madalas, ang taong may social anxiety disorder ay umiiwas makipag-interact sa mga hindi nila kakilala, kumain mag-isa in public, or anything related with public speaking. Tinatawag din itong social phobia.   

  • Specific phobias

Mayroon tayong iba-ibang kinakatakutan pero kapag ikaw ay may phobia, nakakaramdam ka ng intense fear at physical symptoms. Common nito ay nati-trigger ng specific objects, animals, or situations katulad ng fear of heights or fear of darkness.

  • Agoraphobia

Ang agoraphobia ay isang type of phobia kung saan ang tao ay ina-anxiety sa mga lugar kung saan mahirap lumabas, parang trapped, masikip, o maraming tao. Halimbawa ay pagsakay sa airplane, elevator, o kahit anong public transportation. 

  • Separation anxiety 

Mukhang common sa atin ito lalo na’t ayaw natin mawalay sa ating mahal. Char!

Pero ang separation anxiety ay nagiging disorder kapag ikaw ay nakakaramdam na ng physical symptoms kahit na yung simpleng possibility na mahiwalay sa mahal natin sa buhay to the point na hindi ka na maka-function ng maayos everyday. 

  • Selective mutism

Ang selective mutism ay isang rare disorder associated with anxiety kung saan ang isang tao ay hindi makapagsalita sa mga specific situations kahit sila ay may normal language skills. Kadalasang nangyayari ito sa mga kabataan bago sila tumuntong sa edad na lima (5). 

Anxiety Disorder Symptoms

Anu-ano ang sintomas ng anxiety disorder? 

  • Panic, fear, at hindi mapakali
  • Feelings of doom or danger
  • Insomnia o hindi makatulog
  • Nanlalamig at pinagpapawisan
  • Hyperventilation o mabilis na paghinga
  • Heart palpitations
  • Dry mouth
  • Nausea o nasusuka
  • Tense muscles o paninigas ng mga muscles sa kamay o paa
  • Dizziness o nahihilo 
  • Hindi mapigilan at paulit-ulit na iniisip ang problema
  • Hindi maka-focus at concentrate
  • Pilit na pag-iwas sa mga kinatatakutang bagay o lugar

Ito ay mga ilan lamang sa sintomas ng anxiety disorder. Iba-iba ang nararanasan ng bawat isa sa mga sintomas na ito. Importante pa ring masuri ng doktor upang ma-diagnose ng tama at mabigyan ng gamot o therapy. 

Home remedies

Ngayon, kapag ikaw ay nakakaranas ng anxiety o may kakilala ka na inaatake ng anxiety at manageable, ito ang mga remedies na pwede mong gawin: 

  • Good sleep hygiene – Magkaroon ng regular sleeping schedule—same time ng pagtulog at same time ng pag-gising araw-araw. At least 7 hours of sleep. 
  • Regular exercise – Importante rin ang regular exercise kahit at least 30 minutes a day. Nakakatulong ito mag-release ng stress and it improves our overall well-being. 
  • Meditate – Maaari ring mag-meditate for at least 10 minutes per day. It helps calm our mind and promote our emotional wellness. Maraming free meditation videos na pwede mong panoorin as guide sa Youtube. 

Kapag may ongoing attacks: 

  • Practice relaxation techniques – Go to a quiet room and do breathing exercises hanggang magkaroon ka ng control sa iyong emotions. May mga relaxation techniques na maaari mong sundin para maging handa sa mga anxiety attacks. 
  • Ice cold drinks – Nakakatulong ang pag-inom ng malamig na inumin para kumalma. 
  • Cold shower – Maghilamos o maligo with cold water for 5 minutes. Ito ay nakakatulong i-manage ang stress at anxiety.  

References:

Aylett, E., Small, N., & Bower, P. (2018). Exercise in the treatment of clinical anxiety in general practice – a systematic review and meta-analysis. BMC Health Services Research, 18(1), 559. https://doi.org/10.1186/s12913-018-3313-5  

Buijze, G. A., Sierevelt, I. N., J. M. van der Heijden, B. C., Dijkgraaf, M. G., & W. Frings-Dresen, M. H. (2016, September 15). The Effect of Cold Showering on Health and Work: A Randomized Controlled Trial – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5025014/  

Johnson PL, et al. (2014). Etiology, triggers, and neurochemical circuits associated with unexpected, expected, and laboratory-induced panic attacks. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4252820/ 

NIMH » Anxiety Disorders. (2022, April). National Institute of Mental Health (NIMH); www.nimh.nih.gov. Retrieved August 22, 2022, from https://www.nimh.nih.gov/health/topics/anxiety-disorders 

Relaxation techniques: What you need to know. (2021). 

https://www.nccih.nih.gov/health/relaxation-techniques-what-you-need-to-know 
Tang, Y.-Y., H̦lzel, B. K., & Posner, M. I. (2015, March 18). The neuroscience of mindfulness meditation РNature Reviews Neuroscience. Nature; www.nature.com. https://www.nature.com/articles/nrn3916

Similar articles on