Search
Close this search box.

Paano Maiiwasan Ang High Blood Pressure o Hypertension?

Overview

Ang high blood ay tinatawag na “silent killer” dahil ang madalas, hindi ito napapansin at walang sintomas at nagdudulot ng mas malalang sakit. Paano natin maiiwasan ito?

“Galit na galit ako! Kumukulo ang dugo ko! Nakaka-high blood!” Madalas natin sinasabi ito at nagiging expression na kapag tayo galit. Pero ano nga ba ang ibig sabihin medically kapag ikaw ay may high blood?

Ano ang high blood pressure?

Unang-una, alamin natin kung ano ang blood pressure. Kapag nagpa-pump ang heart ng ating dugo, ang dugo ay nagpre-pressure sa artery walls. Ito ang tinatawag na blood pressure (BP). Ang arteries natin ang nagdadala ng dugo sa lahat ng parte ng ating katawan. 

Ang normal blood pressure level ay less than 120/80 mmHg. Kapag kinuhanan ka ng blood pressure at over ito sa normal level, ito ang tinatawag na high blood pressure o hypertension. Ibig sabihin nito ay sumisikip ang ating ugat dahil sa Endothelial dysfunction o ang pagkasira ng endothelium. 

Ang endothelium ay ang balat sa loob ng ating ugat. Bakit ba nasisira ito?

Causes

Karaniwan ang high blood pressure ay nagde-develop overtime dahil sa ating unhealthy lifestyle, lalo na kapag hindi tayo palaging nage-exercise.  Ito ang mga habits na nakakasira sa ating endothelium at maaaring magcause ng high blood pressure. 

  • Mataas na cholesterol sa dugo – tumataas ito kapag ang katawan mo ay sobra sa carbohydrates, trans fats, at saturated fats. Nakukuha sila sa ating mga kinakain kagaya ng pastries, dairy products, meat products, pastas, potatoes, soft drinks, and other fast foods. 
  • Family history – Maaaring namana mo ito sa iyong pamilya na mayroon ding high blood.
  • High sugar levels – Kapag ikaw ay may diabetes, most likely, ikaw ay mayroon ding high blood pressure.
  • Paninigarilyo kahit na vaping
  • Physical inactivity – Kapag ikaw ay hindi mahilig magexercise. Ang regular exercise ay nakakatulong to keep our heart and blood vessels strong. Therefore, it helps lowering the blood pressure. 

Ang constant high blood pressure ay nagda-damage ng ating blood vessels at maaaring magdulot ng ibang health conditions katulad ng heart disease, heart attack, o stroke. 

Anu-ano ang sintomas ng high blood pressure?

Usually, walang sintomas ang high blood pressure. Marami sa atin ang hindi nakakaalam na high blood na pala tayo. Kaya siya tinatawag na “silent killer” dahil pwedeng biglaan lang na itong aatake. Ang pagkuha ng BP ang tanging paraan para malaman kung ikaw ay may high blood. 

Gayunpaman, may mga ibang sintomas na maaaring nagi-indicate na meron kang high blood pressure. Pero hindi ibig sabihin na high blood agad ito. Maaaring sintomas ito ng ibang sakit. Mangyari lamang na magpakonsulta sa inyong doctor agad. 

Ito ang mga sintomas na maaaring may high blood pressure ka: 

  • Headache
  • Nausea o nasusuka
  • Pagsusuka
  • Pagkahilo
  • Pagkalabo ng mata o dumu-doble ang vision
  • Nosebleed 
  • Heart palpitations
  • Hirap makahinga

Kapag ikaw ay nakakaramdam ng kahit ano sa sintomas na ito, i-check ang iyong blood pressure at magpatingin na agad sa doctor. 

Paano maiiwasan ang high blood pressure?

Kaya nating i-manage ang ating blood pressure within the healthy range. Of course, keeping a healthy lifestyle ang makakatulong sa ating umiwas sa sakit generally. Ito ang lagi mong tandaan: 

  • Mag-exercise at least 30 mins a day, 5 days a week. 
  • Tigilan na ang paninigarilyo. Wala talagang mabuting idudulot ito sa ating katawan. 
  • Kumain ng healthy diet. Limitahan ang mga maalat at fatty foods. 
  • Iwasan ang alcohol
  • Know how to manage your stress. 
  • Get enough sleep. 

Hindi dahil hindi natin nararamdaman kung may high blood pressure ba tayo ay wala na tayong gagawin tungkol dito. Mainam pa ring we keep a healthy lifestyle and always get our regular check ups para masiguradong palagi tayong healthy at iwas sa sakit. 

References:

CDC. (2021, May 18). High Blood Pressure Symptoms, Causes, and Problems | cdc.gov. Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/bloodpressure/about.htm 

CDC. (2020, February 24). Know Your Risk for High Blood Pressure | cdc.gov. Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/bloodpressure/risk_factors.htm

Felman, A. (2022, February 6). High blood pressure: What is high, symptoms, causes, and more. High Blood Pressure: What Is High, Symptoms, Causes, and More; www.medicalnewstoday.com. https://www.medicalnewstoday.com/articles/159283 

Krüger-Genge, A., Blocki, A., Franke, R.-P., & Jung, F. (2019, September 7). Vascular Endothelial Cell Biology: An Update – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6769656/#:~:text=The%20vascular%20endothelium%2C%20a%20monolayer,but%20also%20an%20endocrine%20organ

Types of Fat | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health. (2014, June 9). The Nutrition Source; www.hsph.harvard.edu. https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/what-should-you-eat/fats-and-cholesterol/types-of-fat/ 

Similar articles on