Search
Close this search box.
woman on gray concrete bath tub

Pwede Bang Maligo Sa Gabi? At iba pang myths about ligo

Overview

Marami tayong pinaniniwalaang sabi ni nanay, ni lola, at kung sino pang nakakatanda. Ano ba ang katotohanan sa mga ito?

Pwede bang maligo sa gabi? Mapa-pasma daw, magkaka-low blood at kung anu-ano pa. Bawal din daw maligo kung puyat. Pagod daw ang mata kaya wag ibasa. Ang dami lang myths about ligo! Umamin ka na kasi, ayaw mo lang maligo. 

Lahat tayo ay may iba-ibang naririnig na kasabihan tungkol sa pag-ligo. Ito naman ang say ng medical practitioners para diyan. 

  1. Pwede bang maligo kahit may regla?

Oo. Walang katotohanan na mataas ang chance mo magkaroon ng cyst kapag naligo kang may regla. Hindi totoo yan, cyst. Chismis lang yan. 

The most common causes of ovarian cysts include:

  • Hormonal problems
  • Endometriosis – ito ay isang klase ng ovarian cyst na nagde-develop sa babaekung saan ang endometriosis tissue ay nag-aattach sa inyong ovary at dumadami. Maaaring ang cyst na ito ay nakakadulot ng pain during your period or sexual intercourse. 
  • Pregnancy – normal ang pag-develop ng cyst sa ovary kapag ikaw ay buntis. Ito ay tumutulong sumuporta until nagform ang placenta. Pero minsan, yung cyst ay naiiwan kahit after pregnancy kaya kailangan itong tanggalin. 
  • Severe pelvic infections – ito ay isang infection na kadalasang nakukuha through sexual intercourse. Ang infections ay maaaring magspread sa ovaries and fallopian tubes that causes cysts to develop. 

In fact, ang pagliligo on your period is important for hygiene. Ito ay para maiwasan ang infections and skin irritation to occur. 

Kaya maligo ka na, cyst!

  1. Pwede ka bang maligo after mag-exercise? Papasok daw ang tubig sa pores mo at mapupunta sa baga? 

Pwedeng maligo after exercise. At dapat kang maligo after exercise, or kahit anong extreme activities na pinagpawisan ka. Yung naipon na pawis, oil, at dumi ay pwedeng barahan ang pores at maging bacne (back acne) o yung dumadami ang tigyawat sa likuran. Ang mga bacteria ay mahilig sa pawis kaya kung hindi ka maliligo after exercise, pwede kang magka-body odor. Ok lang ba yun sa’yo? I mean, ok lang ba yun sa crush mo?

Hindi rin totoo na papasok sa pores mo ang tubig at mapupunta sa lungs. Ang ating skin ay may iba’t ibang layers at ang pagbukas ng pores ay hanggang sa 2nd layer lang ng ating skin at hindi lumulusot sa loob-looban. Hindi totoo na ito ay makakapasok sa ating baga.

Ok lang magpahinga 10-15 mins after exercise. Pag-ramdam mo na tensed ang muscles mo, pwede namang mag-warm shower para marelax ang muscles. Pero kapag sore naman ang muscles mo, ok lang mag-cold shower para mabawasan ang inflammation. 

  1. Pwede bang maligo pag pagod o puyat? Dapat ba sa umaga lang naliligo?

Ito, laging naririnig natin. Bawal daw maligo kapag puyat o pagod dahil: 

  • Mapa-pasma daw
  • Magiging anemic
  • Magiging low-blood

Ang lahat ng ito ay walang katotohanan dahil: 

  • Ang pasma ay walang direct term sa medicine pero ito ay related sa tremors, muscle spasm, at cramps. Ito ay maaaring na-experience dahil namana, sa sobrang pagod o strain ng muscles. Katulad ng pagwo-workout, hindi masama ang pagligo. Pwedeng magpahinga ng 10-15 minutes bago maligo. 
  • Ang causes ng anemia ay nutritional deficiencies particularly in iron, kasama na rin dito ang deficiencies in folate, vitamins B12 and A, hemoglobinopathies, infectious diseases katulad ng malaria, tuberculosis, HIV at kung ano pang parasitic infections. 
  • Maraming causes ang low blood pressure pero hindi kasama dito ang pagligo sa gabi. ​​Maaari kang may low blood kapag ikaw ay:
    Blood loss from an injury that causes a sudden drop in blood pressure
    • Dehydrated
    • May diabetes
    • Heart problems such as arrhythmias (irregular heartbeat)
    • Umiinom ng gamot to treat high blood pressure, depression, or Parkinson’s
    • Pregnant

Ang pagligo ay walang direct effect sa mga sakit na ating nararamdaman. Ugaliing magpa-check up regularly para makita ang puno’t dulo ng causes ng mga sakit na ito. 

  1. Bawal ba matulog kapag basa ang buhok?

May katotohanan naman sa claim na ito. Kapag basa ang buhok mo, nababasa ang iyong unan at maaaring magdevelop ang fungal or yeast infection sa scalp na nagiging cause ng dandruff or paglagas ng buhok. Para maiwasan ito, siguraduhing nagpapalit ka palagi ng punda, matulog ng dry ang buhok, at gumamit ng anti-dandruff shampoo. 

Aside from this, walang katotohanan na ang pagtulog na basa ang buhok ay maaaring mag-cause ng sipon, headache, at pulmonya. 

  1. Bawal kang maligo kung ikaw ay mayroong lagnat.

Ito ay may katotohanan. Maaaring lumala ang sakit kapag naligo ka with cold water. Mainam na mag-punas lang with warm water. 

  1. Dapat ba maligo kapag naulanan?

Common ito sa atin, kapag ikaw ay naulanan, kailangan mong maligo. Pero hindi ang ulan ang nagbibigay sa atin ng sakit—ito ay ang cold temperature. Ang viruses ay mas mabilis mag-multiply kapag malamig ang panahon. Kaya ang tag-ulan ay tinatawag na flu season. Pero dapat ba maligo pag naulanan? Yes. Ang pagligo ay nakakatulong ibalik sa normal temperature ang ating katawan. Maaari din nitong ma wash away ang mga bacteria na maaaring dumikit sayo habang malamig. 

Anu-ano pa ang mga naririnig mong reason sa hindi pagligo? Ako isa lang ang rason sa lahat ng ito. Katamaran. Char! 

References:

Alharbi, K. K., Alkharan, A. A., Abukhamseen, D. A., Altassan, M. A., Alzahrani, W., & Fayed, A. (2018, December). Knowledge, readiness, and myths about menstruation among students at the Princess Noura University – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6293938/ 

Anaemia. (2022, July 5). World Health Organization; www.who.int. https://www.who.int/health-topics/anaemia#tab=tab_1

Low Blood Pressure. (2022, March 24). NHLBI, NIH; www.nhlbi.nih.gov. https://www.nhlbi.nih.gov/health/low-blood-pressure 

Ovarian cysts | Office on Women’s Health. (2021, February 22). Office on Women’s Health; www.womenshealth.gov. https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/ovarian-cysts 

Wedro, B. (2022, February 10). Muscle Spasm Causes, Treatment, Types & Duration. MedicineNet; www.medicinenet.com. https://www.medicinenet.com/muscle_spasms/article.htm 

Similar articles on