Search
Close this search box.

Paano Maiiwasan Ang UTI?

Overview

Ang UTI ay isang common infection kung saan ikaw ay nakakaramdam ng sakit at discomfort sa pag-ihi. Alamin kung paano iwasan ang impeksyon na ito.

Naiihi ka na naman ba, eh, kakatapos mo lang umihi? O di kaya naiihi ka pero walang namang lumalabas? Naku, baka UTI na yan! 

Ang UTI o Urinary Tract Infection ay isang impeksyon sa kahit anong parte ng iyong urinary system kasama ang iyong mga kidneys, bladder, ureters, at urethra o ang daluyan ng iyong ihi. 

Ito ang mga sintomas ng UTI: 

  • Masakit umihi
  • Laging naiihi kahit katatapos lang umihi. 
  • May halong dugo sa ihi
  • Kulay brown ang ihi
  • Masakit ang puson o singit

Kapag ito ay lumala, maaaring umakyat at magka-impeksyon ang iyong kidney. 

Ito ang mga sintomas ng kidney infection: 

  • Lagnat
  • Chills o panginginig
  • Lower back pain or pain sa tagiliran
  • Vomiting o pagsusuka

Kung kaya mong tiisin na hindi ka na niya mahal, puwes ang UTI, hindi pwedeng tiisin. Char! Kapag ikaw ay nakakaranas ng kahit sa isa mga sintomas na ito, wag nang antaying lumala ang iyong infection. Magpacheck up agad sa doctor para ikaw ay masuri at mabigyan ng gamot. 

Paano maiiwasan ang UTI?

Para maiwasan ang UTI, ito ang mga laging tandaan: 

  • Wag pigilan ang pag-ihi. Dapat umiihi ka ng 4-7 times sa isang araw para maflush out ang bacteria at hindi naiipon sa pantog. 
  • Keep yourself hydrated. Uminom ng maraming tubig. Ang recommended daily water intake ay 2.5L para sa mga lalaki at 2L naman sa mga babae, given na ikaw ay healthy at walang ibang sakit. 
  • Para sa mga babae, hugasan o punasan ang pwerta pababa sa pwet at hindi pataas. Ito ay para mapanatiling malinis at maiwasang mapadpad ang mga bacteria sa iyong pwerta.
  • Iwasang gumamit ng mga feminine wipes o spray. Ito ay dahil ang vagina ay may sariling cleaning mechanism at ang paggamit ng mga feminine products na ito ay hindi kailangan at maaaring sirain lang ang natural balance ng vagina. 
  • Ugaliing umihi at linisin ang genitals after every sexual intercourse. Always practice safe and clean sex.  

Kapag ikaw ay babae, mas malaki ang risk na magkaroon ka ng UTI dahil maiksi ang urethra at madaling makaakyat ang bacteria sa pantog ng babae.  

Ito pa ang ibang mga factors kung bakit madaling magka-UTI:

  • Dati nang nagkaroon ng UTI
  • Sexual activity
  • Changes sa vaginal bacteria katulad ng menopause o ang paggamit ng spermicides
  • Pregnancy
  • Structural problems affecting the urinary tract, katulad ng enlarged prostate
  • Age – Common para sa older adults at sa younger children ang pag develop ng UTI if not assisted well kapag dumudumi o umiihi.

Nakaka-UTI daw ang softdrinks?

Walang strong research ang makakapag suporta na ang softdrinks ay nakaka-cause ng UTI. However, may mga beverages na tinatawag as irritants to the bladder kagaya ng sodas, coffee, tea, artificial flavored drinks and alcohol na maaari nating iwasan. Ngunit walang evidence na itong mga inumin ang mismong nagdudulot ng UTI. 

So, meron bang particular na pwedeng inumin as treatment for UTI? Sa ngayon, wala. May mga claims na ang pag-inom ng cranberry juice, buko juice, o probiotic drinks ay nakakatulong to relieve UTI. Ang mga drinks na ito ay may health benefits naman sa katawan kaya one way or another, makakatulong sila sa iyong overall health. Pero sa ngayon, walang strong evidence na ang mga inumin na ito ay treatment for UTI cases. Kailangan pa ring masuri at sumunod sa payo ng doctor to treat UTI. 

Para sure, mag-tubig nalang. Wala namang masama kapag umiinom ka ng tubig sa normal amount. Keep yourself hydrated at wag pigilan ang ihi. Make sure ding umihi sa tamang lugar. Char! 

References

CDC. (2022, January 14). Suffering from a urinary tract infection? Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/antibiotic-use/uti.html#:~:text=UTIs%20are%20common%20infections%20that,is%20another%20type%20of%20UTI

Cohut, M. (2019, May). Feminine hygiene products: Are they safe? Feminine Hygiene Products: Are They Safe?; www.medicalnewstoday.com. https://www.medicalnewstoday.com/articles/325360  

Gbinigie, O. A., Spencer, E. A., Heneghan, C. J., Lee, J. J., & Butler, C. C. (2020, December 25). Cranberry Extract for Symptoms of Acute, Uncomplicated Urinary Tract Infection: A Systematic Review – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7824375/  

Grin, P. M., Kowalewska, P. M., Alhazzan, W., & Fox-Robichaud, A. E. (2013, February 1). Lactobacillus for preventing recurrent urinary tract infections in women: meta-analysis – PubMed. PubMed; pubmed.ncbi.nlm.nih.gov. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23433130/  

Miller, J. M., Garcia, C. E., Hortsch, S. B., Guo, Y., & Schimpf, M. O. (2016, February). Does instruction to eliminate coffee, tea, alcohol, carbonated, and artificially sweetened beverages improve lower urinary tract symptoms: A Prospective Trial – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4799659/  

Patel, R. M., Jiang, P., Asplin, J., Granja, I., Capretz, T., Osann, K., Okhunov, Z., Landman, J., & Clayman, R. V. (2018, November 1). Coconut Water: An Unexpected Source of Urinary Citrate – PMC. PubMed Central (PMC); www.ncbi.nlm.nih.gov. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6236775/  

Similar articles on