Search
Close this search box.

Paano Labanan Ang PCOS?

Overview

Ang PCOS ang pangunahing dahilan kung bakit hirap magka-anak ang isang babae. Ano ang causes nito?

Maraming pinagdadaanan ang mga kababaihan. Lagi nalang may societal standards. Dapat payat, sexy, maganda, makinis at kung anu-ano pa. Bukod dito dapat daw ang babae ay nasa bahay lang, gumagawa ng chores, makapag-asawa at magka-anak. Ang daming demands! Bakit ba natin pinapahirapan ng lalo ang mga babae?

Ang daming struggles ng mga babae, bukod sa mga unreasonable societal, may mga pinagdadaanan silang monthly discomfort at health struggles—sa na dito ay ang PCOS. 

Ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ay isang uri ng sakit kung saan ang mga ovaries ay nagpro-produce ng abnormal amount of androgens. Ang androgens ay ang male sex hormones na mayroon ang mga kababaihan in small amounts. Kung bubuwagin, ang ibig sabihin ng “poly” ay “marami” at ang ibig naman sabihin ng cyst ay bukol. Minsan ang mga may PCOS ay hindi nagkakaroon ng mga cyst, at ang iba namang babae na walang PCOS ay nagkakaroon ng cysts. 

What causes PCOS?

Mahirap alamin ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng PCOS. Maraming kababaihan na may PCOS ang may insulin resistance, ibig sabihin nito ay hindi maayos ang paggamit ng katawan ng insulin. Ang pagtaas ng insulin level sa katawan ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng androgen levels. Ang pagiging mataba ay maari ring maging dahilan ng pagtaas ng level ng insulin na pwedeng maging sanhi ng paglala ng mga sintomas ng PCOS. 

Sino ang mga at risk magkaroon ng PCOS? 

Mas mataas ang risk ng mga anak na babae na magkaroon ng PCOS kung ang mother nila ay mayroon din. Ganoon din kung ang babae ay may insulin resistance o sya ay mataba. 

Ano ang sintomas ng PCOS?

Kabilang sa sintomas ng PCOS ay ang mga sumusunod:

  • Irregular, missed, or very light periods
  • Dysmenorrhea
  • Lumaking ovaries o may maraming cyst
  • Mabuhok na dibdib, tyan, at likod
  • Weight gain lalo na sa parte ng abdomen
  • Mga tigyawat at oily skin
  • Pagnipis ng buhok 
  • Infertility
  • Mga sobrang balat na madalas sa leeg o kili-kili
  • Nangingitim na batok, kili-kili, o ilalim ng breast

Ano ang complications ng PCOS?

Kung ikaw ay may PCOS at mataas ang iyong level ng androgen, maaring mas maging komplikado ang iyong mga sintomas kagaya ng:

Hirap sa pagbubuntis

Ang mga bukol sa ovaries ay maaaring maging hadlang sa ovulation. Kung walang malusog na egg cell na ife-fertilize ang sperm cell ay walang mabubuong baby. Maaari pa ring maging buntis ang babaeng may PCOS sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot at pagkonsulta sa isang fertility specialist.

Insulin issues and diabetes. 

Ang insulin resistance ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng level ng adrogen sa katawan. Kung ikaw ay may insulin resistance, ang mga cells sa muscles, organs, at ibang tissues ay mahihirapan sa pag-absorb ng blood sugar. Dahil dito, tataas ang blood sugar sa dugo na magiging sanhi ng diabetes.

Metabolic syndrome. 

Ang mga sintomas katulad ng mataas na level ng triglyceride, mababang level ng HDL o good cholesterol, high blood pressure, at high blood sugar ay nagpapataas sa risk ng cardiovascular disease.

Other common complications of PCOS include:

  • Depression
  • Anxiety
  • Bleeding from the uterus and higher risk of uterine cancer
  • Sleep problems
  • Inflammation of the liver

Kapag ikaw ay nagkaroon ng delayed, missed, or longer period and dysmenorrhea, magpa-konsulta na agad sa doctor. 

Sa daming pinagdadaanan ng kababaihan, monthly pa nga eh, iwasan na nating mag-impose ng mga unreasonable standards. Tulungan natin silang maging healthy at confident about who they are—no matter their appearance, shape, size, and color.

References:


CDC. (2020, March 24). PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) and Diabetes | CDC. Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/diabetes/basics/pcos.html 
Polycystic ovary syndrome . (2021, February 22). Polycystic Ovary Syndrome | Office on Women’s Health; www.womenshealth.gov. https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/polycystic-ovary-syndrome

Similar articles on