Search
Close this search box.

Gaano Ba Ka-Delikado Ang Diabetes Sa Kalusugan?

Overview

Ang diabetes ay isang chronic disease na kailangan nating iwasan at bantayan. Alamin ang mga risks na dala nito.

Mahilig ka sa sweet? Nandito naman ako. Char!

Mahirap tanggihan ang mga sweets. Ok lang naman pero kailangan hindi sobra-sobra ang iyong sugar in-take at baka mahantong ito sa diabetes. 

Pero sa sweets lang ba nagiging diabetic? Maaaring associated ito with high sugar levels pero ang mga matatamis na pagkain ay isang parte lang sa lahat ng factors kung bakit ang isang tao ay nagkakaroon ng diabetes.

Ang diabetes ay isang klase ng chronic disease na inaapektuhan ang pagproseso ng ating katawan upang gawing energy ang pagkain. Ang ating mga kinakain ay kadalasang nagiging glucose sa ating katawan at iyo ay nasasama sa ating dugo. Kapag tumaas ang ating blood sugar, nagpapadala ito ng signal sa ating pancreas upang maglabas ng insulin. Ang insulin ang nagsisilbing susi upang papasukin ang blood sugar sa ating mga cells at magamit ng ating katawan bilang energy.

Kapag ang isang tao ay may diabetes, ang kanyang katawan ay hirap gumawa ng insulin o di kaya ay hindi ito magamit ng maayos. Kapag kakaunti ang insulin o kung ang mga cells ay tumigil mag-respond sa insulin, tataas ang level ng blood sugar na maiipon sa ating dugo. Sa katagalan, ito ay magiging sanhi ng mga sakit katulad ng sakit sa puso, problema sa paningin, at sakit sa bato.

Mga Uri ng Diabetes

May tatlong uri ng diabetes. Ito ay ang Type 1, Type 2, at Gestational Diabetes, o diabetes habang nagbubuntis. 

Type 1 Diabetes

Ang type 1 diabetes ay hinihinalang sanhi ng isang autoimmune reaction. Sa madaling salita, inaatake ng katawan ang sarili nito ng hindi sadya. Dahil dito ay tumitigil ang katawan sa pag-gawa ng insulin. Halos 5-10% ng mga diabetic ay Type 1. 

Mabilis lumaganap ang sintomas ng Type 1 diabetes at wala itong pinipiling edad, mapa bata man o teenager ay maaring magkaroon nito. Kung ikaw ay mayroong Type 1 diabetes, kailangan mong mag-inject ng insulin araw-araw. Sa ngayon ay wala pang ekspertong nakakaalam kung paano iwasan ang Type 1 diabetes.

Type 2 Diabetes

Ang Type 2 diabetes naman ay ang hindi pag-gamit ng katawan ng insulin sa maayos na paraan. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagiging normal ang blood sugar level ng mga may sakit na ito. 

90-95% naman ng mga diabetic ay Type 2. Matagal ang pag-develop ng sakit na ito at kadalasan ay nakikita sa mga matatanda, ngunit mas dumarami na rin ang mga batang nagkakaroon nito. Maaring hindi mo makita ang sintomas ng Type 2 diabetes kaya ugaliing magpa-check ng blood sugar upang malaman kung ikaw ay at risk. 

Gestational Diabetes

Gestational diabetes ay ang pagkakaroon ng mga buntis ng diabetes kahit wala naman sila ng sakit na ito noon. Kung ang buntis ay nagkaroon ng gestational diabetes, maaring maging at risk ang kanyang sanggol sa iba’t-ibang uri ng sakit. 

Kadalasan ang gestational diabetes ay nawawala pagkatapos manganak ng isang babae, ngunit siya naman ngayon ay at risk nang magkaroon ng Type 2 diabetes sa kanyang pagtanda. Maarin ding maging obese at magkaroon ng Type 2 diabetes ang kanyang anak paglaki.

Prediabetes

Sa prediabetes naman, higher than normal ang iyong blood sugar levels pero not high enough to be diagnosed with type 2 diabetes. Kapag hindi masuri at magamot, maaari rin itong mahantong sa type 2 diabetes, heart disease, at stroke. 

Sinu-sino ang maaaring magka-diabetes?

Type 1

Wala pang clear studies kung ano ang cause ng Type 1 diabetes pero malaki ang chance na makuha mo din ito kapag: 

  • Family history – Kapag ikaw ay may magulang at kapatid na may type 1 diabetes.
  • Age – Lumalabas ang type 1 diabetes at any age pero kadalasan nagde-develop ito sa mga bata, teens, or young adults.

Type 2

Maaari ka namang magkaroon ng type 2 diabetes kapag ikaw ay: 

  • May prediabetes 
  • Overweight or obese.
  • 45 years or older. Madalas lumalabas ang diabetes as you get older. 
  • Kapag ito ay nasa inyong family history.
  • Physically inactive 
  • Nagkaroon ng gestational diabetes during pregnancy o kapag ikaw ay nagluwal ng baby weighing over 9 pounds.

Sintomas ng diabetes 

Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas, mainam na magpasuri sa doctor:

  • Maya’t-mayang pag-ihi, kadalasan sa gabi
  • Palaging uhaw
  • Namamayat kahit hindi nag-eexercise
  • Laging gutom
  • Panlalabo ng paningin
  • Pamamanhid ng kamay at paa
  • Panunuyot ng balat
  • Mga sugat na matagal gumaling
  • Madalas na pagkaroon ng impeksyon

Paano maiiwasan ang diabetes?

Wala nang higit pa na makakapag-iwas sa atin sa mga sakit katulad ng diabetes, kung di ang pagbago ng ating lifestyle. 

  • Mag-exercise at least 3 times a week for 30 mins.
  • Kumain ng balanced diet lalo na ng masusustansyang pagkain
  • Magpapayat lalo na kapag ikaw ay overweight. 
  • Quit smoking

It all boils down to our lifestyle. Walang masama kapag tayo ay mag-enjoy ng mga bagay-bagay moderately. Umiwas na sa sobrang matatamis na food and drinks, sa akin ka nalang. Sweet naman ako. Char! 

References:


CDC. (2022, April 5). Diabetes Risk Factors | CDC. Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/diabetes/basics/risk-factors.html 

CDC. (2022, July 7). What is diabetes? | CDC. Centers for Disease Control and Prevention; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/diabetes/basics/diabetes.html#:~:text=Diabetes%20is%20a%20chronic%20(long,your%20pancreas%20to%20release%20insulin. 

Diabetes. (2021, November 10). World Health Organization; www.who.int. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/diabetes 

Similar articles on