Search
Close this search box.

Ano Ang Koneksyon ng Uric Acid sa Gout at Arthritis?

Overview

Katulad ng blood pressure o sugar levels, importante ring mabantayan ang uric acid ng ating katawan. Alamin kung anu-anong sakit ang maaari mong makuha kapag ikaw ay may mataas o mababang level ng uric acid.

May gout o arthritis ka ba? Dahil yan sa mataas ang iyong uric acid. Paano ba maiiwasan ito?

It’s time to get to know what uric acid is at bakit importante siyang bantayan sa ating katawan. 

Ang uric acid ay natural waste product matapos ma-digest ang pagkain na may purines.  Ito ay nadidissolve sa ating dugo at dumadaan sa kidneys at nailalabas sa pagihi. Ang ating uric acid levels ay maaaring tumaas o bumaba depende sa pagkain na ating kinakain. 

May mga pagkain na may high-levels of purine katulad ng: 

  • Seafood (especially salmon, shrimp, lobster and sardines)
  • Red meat
  • Organ meats katulad ng atay
  • Mga pagkain at inumin na may high fructose corn syrup, and alcohol (especially beer at mga ibang non-alcoholic drinks)

Related medical conditions

Ang pagkakaroon ng uric acid sa ating dugo ay normal lang, ngunit kapag ang uric acid ay tumaas o bumaba sa healthy range, ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakasakit. Ang pagkakaroon ng mataas na level ng uric acid sa dugo ay tinatawag na hyperuricemia.

Ang ibang medical conditions at treatment ay nauugnay din sa mataas na uric acid level, kagaya ng gout, cancer treatment, at kidney disease. 

  • Gout

Ang gout ay isang uri ng arthritis kung saan naiipon ang uric acid sa mga joints at tissues na nagiging sanhi ng pamamaga ng mga ito. Ang kadalasang inaatake ng gout ay mga joints sa mga daliri sa paa, bukong-bukong o ankle, at mga tuhod.

  • Cancer treatment

Kapag namamatay ang mga cells, ito ay nagre-release ng tinatawag na “purines”. Ang mga purines ang nagre-release ng uric acid sa ating dugo kapag ito ay bine-break down ng ating katawan. 

Kapag ang isang pasyente ay sumailalim sa chemotherapy, ang mga cells nito ay pinapatay kung kaya’t importante na isagawa nang madalas ang uric acid testing sa kanila upang ma-monitor ang kanilang kalagayan.

  • Kidney disease

Ang pangunahing tungkulin ng ating bato o kidney ay ang mag-filter ng dugo. Kung ang isang tao ay may sakit sa bato, mahihirapan itong mag-filter ng mga dumi sa dugo, kabilang na dito ang uric acid. Ang mga duming ito ay maaaring maipon sa dugo at magpapalala sa kalagayan ng isang pasyente.

  • Fanconi syndrome

Bihira lamang ang magkaroon ng mababang level ng uric acid, pero ang madalas na sanhi nito ay isang rare kidney disease na kilala sa tawag na Fanconi syndrome. Ang mga may Fanconi syndrome ay hirap sa pag-absorb ng sustansya sa katawan, kung kaya’t ang mga may sakit na ito ay kadalasang nanghihina, dehydrated, at may mga problema sa buto. Mababa ang kanilang uric acid dahil sobra-sobra ang nilalabas ng katawan kapag umiihi.

Sintomas ng mataas at mababang level ng uric acid

Malimit makita ang sintomas ng taong may mataas o mababang level ng uric acid. Lumalabas lang ang sintomas na ito kung masyado nang matagal na hindi normal ang level ng uric acid ng isang tao. 

Kabilang sa mga sintomas ng gout ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit o pamamaga ng mga kasu-kasuhan
  • Mainit kapag hinawakan ang mga kasu-kasuhan
  • Discoloration o pag-iiba ng kulay sa balat ng mga kasu-kasuhan

Ito naman ang sintomas ng kidney stones, isang uri ng sakit na maaring magkaroon ang mga taong may mataas na level ng uric acid:

  • Pananakit ng likod
  • Pananakit ng balakang
  • Madalas na pag-ihi
  • Ihi na malabo, may kakaibang amoy, o may halong dugo
  • Pagkahilo at pagsusuka 

Bihira lamang magkaroon ng mababang level ng uric acid, pero ang kadalasang sintomas nito ay maya’t-mayang pag-ihi, na pwedeng maging sanhi ng dehydration.

Paano i-maintain ang good levels of uric acid sa katawan?

May mga pagkain na naglalaman ng purines. Imposibleng iwasan ang purines dahil halos lahat ng pagkain ay meron nito. Subalit merong tinatawag na “low purine diet” na maaring sundin upang maiwasan ang pagtaas ng purine levels sa katawan. 

Kapag ikaw ay may gout, ito ang maaari mong gawin: 

  • Umiwas sa alcohol. 
  • Umiwas sa mga pagkaing high in purines. 
  • Keep yourself hydrated. 
  • Maintain weight na naaayon sa iyong katawan.
  • Do gentle exercises katulad ng walking, biking, at swimming. 
  • Ang taong nadiagnose na may gout ay kailangang magpa-uric acid test every 6 months. 

Ang pagpanatili ng normal levels ng uric acid ay makakatulong sa pagbawas ng sakit, joint damage at komplikasyon sa gout. 

Ok nang clout-chaser. Wag lang gout-chaser. Char!

References:

Gout | Arthritis | CDC. (2020, July 27). Gout | Arthritis | CDC; www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/arthritis/basics/gout.html 

Gout Symptoms, Causes & Diet Recommendations | NIAMS. (2017, April 12). National Institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Diseases; www.niams.nih.gov. https://www.niams.nih.gov/health-topics/gout 

Gout Symptoms, Causes, Treatments, and Kidney Disease | National Kidney Foundation. (2020, May 18). National Kidney Foundation; www.kidney.org. https://www.kidney.org/atoz/content/gout/gout-kidney-disease 

Similar articles on